CNWD - PrimeWater Programs & Events

Proyektong Patubig Pinasinayaan


       Sa temang CNWD-PrimeWater: Building Strong Partnership Toward Water Sustainability, pormal nang pinasinayaan ang 315mm Ø uPVC parallel transmission line na may habang 4.734 klilometro at bumabagtas sa San Lorenzo Road mula Barangay Daculang Bolo, San Lorenzo Road hanggang sa Barangay Magang, Daet. Ito ay isinagawa noong August 18, 2017 sa Pineapple Island Resort sa Barangay Calasgasan, Daet.

       Ang service expansion project ay maghahatid ng karagdagang 1,800 cubic meters na malinis na tubig bawat araw buhat sa Dagotdotan Filtration Facility (DFF) sa San Lorenzo Ruiz sa mga lugar na may malaki pang kakulangan sa suplay ng tubig katulad ng Basud, Mercedes at ilang bahagi ng Daet South . Tinatayang halos 1,680 na kabahayan ang mabibiyayaan ng proyektong ito maliban sa inaasahang paglakas ng water pressure sa buong service area ng CNWD PrimeWater.

       Dinaluhan ang inagurasyon ng proyekto ng mga kawani at namumuno ng pamahalaang panlalawigan at bayan sa pangunguna nina Congressman Marisol Panotes, Governor Edgardo Tallado, Vice Govenor Jonah Pedro Pimentel at iba pa.

       Sa mensaheng ibinigay ng general manager ng CNWD GM Maria Antonia Bernardina F. Boma, sinabi niya na patuloy na palalaguin ng CNWD at PrimeWater and kanilang samahan upang patuloy na makapagbigay ng mabilis, mahusay at maaasahang serbisyo sa kasalukuyan at susunod pang mga konsesionaryo. Sa pagtatapos ng kanyang mensahe iniwan ni GM Boma and katagang ” Ang proyektong ito ay simula lang. Ika nga, the best is yet to come”.

       Samantalang ang proyektong ito ay isa lamang sa iba pang malalaking proyekto na nakatakdang isagawa ng CNWD at PrimeWate bago matapos ang taong ito tulad ng mga sumusunod:

      • Installation of booster pump along transmission line at Calabagas, San Vicente
      • Construction of raw water tank in Dagotdotan Filtration Facility (DFF)

       Ang mga nabanggit ay nagpapakita na patuloy ang CNWD at PrimeWater sa kanilang tungkulin at paninindigan na makapagbigay ng mas mataas na antas ng serbisyo sa mga konsesionaryo.

Public Service Announcement

Water InterruptionJuly 24, 2017
Water InterruptionJuly 19, 2017
Water InterruptionMarch 2, 2016

New Applicant Information

For new applicants, Please present ANY TWO (2) of the following requirements

- Community Tax Certificate Xerox
- Brgy. Certificate of Ownership
- Title Xerox
- Tax Declaration Xerox
- Deed of Sale Xerox
- Lease Contract Xerox
- Contract to Sell Xerox
- Owner's Authorization
- SPA Xerox

(Additional Documents for new applicants from Labo, C.N. and Vinzons, C.N.)
- Certificate of Final Inspection
    - Labo, C.N. (Engr. R. Jacela)
    - Vinzons, C.N. (Engr. A. Quilas)

CONTRACT FOR WATER SERVICE (zip file)
DOWNLOAD HERE

Publications

   Boro-Boro Vol. XXXIV No. 2

     Camarines Norte Water District (CNWD) pioneered the concept of a privately run water utility in the Bicol Region when it became the first water district to be established in Region V as mandated by Presidential Decree 198 otherwise known as the Water Utilities Act of 1973. Water districts, however, were categorized as government owned and controlled corporations with the entry of the final judgment of the Supreme Court Ruling on March 12, 1992 declaring water districts as government entities.